ABS o GMA?

Saturday, December 12, 2009

Hindi maikakailang mahilig ang mga Pilipino sa telebisyon. Dito nila nakukuha ang mga mahahalagang balita at ito rin ang nangungunang libangan saan man sa bansa. Sa totoo lang, maraming sa mga Pilipino ang maituturing na TV addicts. Wala ring pinipiling edad, kasarian, at katayuan sa buhay ang pagkahilig sa telebisyon ng mga Pinoy.

Gayunpaman, hindi lahat ng mga Pilipino ay nagkakasundo pagdating sa usapin kung anong TV station ang totong nangunguna sa bansa. At pagdating sa debateng yan, dalawang pangalan lamang ang pinaghahambing - ABS-CBN at GMA, ang dalawang higanteng TV networks sa Pilipinas.

Ito ang tinaguriang "Network War." Ikaw, ano ang pinapanood mo? Oras nang ipagtanggol ang paborito mo.

Read more...

About This Blog

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP